40

Sep 7, 2020 @ 16:24

Kelly Williams nagretiro na sa PBA

RP

Matapos ang 14 taon sa liga, tuluyan nang inanunsyo ni Kelly Williams ang kanyang pagreretiro sa PBA sa edad na 38.

Sa kanyang Instagram post, nilahad ni Williams ang kanyang pamamaalam sa larong basketball, kung saan ilang awards at tropeo ang kanyang naisukbit bilang isa sa pinakamahusay na forward na tumapak sa bansa.

“Thank you PBA for giving me access to your stage for 14 seasons and to the great fans who supported me during my time. I gave my all when I put Pilipinas and my teams on my chest and I hope you felt that,” ayon kay ‘Machine Gun Kelly’.

Unang nakilala si Williams sa Sta. Lucia Realtors, kung saan nakasungkit siya ng isang kampeonato, Rookie of the Year award, at isang PBA MVP trophy.

Paglipat sa TNT Tropang Texters ay nagtuloy-tuloy pa rin ang pag-arangkada ni Williams, na nagdagdag ng lima pang kampeonato sa kanyang pangalan.

Muntik mapurnada ang basketball carreer ni Williams noong 2009 nang ma-diagnose siya na may idiopathic thrombocytopenic purpura, isang rare blood disorder.

“I turn the final page of this chapter and I fear not. I did the best I could with what I had, now I can lay my career to rest with peace in my heart. Now I can be nearer to my sons,” saad pa ni Kelly.

“The Machine Gun signing off. 21 gun salute PH,” panapos pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?