103

Nov 25, 2017 @ 17:04
By

Kelly Williams, ‘Comeback Player of the Year’

Naibanda ni Kelly Williams sa pangalawang pagkakataon sa kanyang career ang tikas kaya makakatanggap ng parangal sa PBAPC (Philippine Basketball Association Press Corps) 24th Annual Awards Night sa Nobyembre 30 sa Gloria Maris Restaurant sa Gateway Mall sa Cubao, QC.

Gagawaran si 35-year-old Williams ng ‘Bogs Adornado Comeback Player of the Year’ na pinangalan sa dating PBA great na nagtagumpay sa pagbabalik mula sa halos career-threatening injury at maging isa sa tatlong players na wagi ng hindi bababa sa tatlong MVP titles sa 42-year pro league history.

Tinalo ni Williams, dati ring MVP, para sa special award na pinagkakaloob ng grupo ng sportswriters na regular na kumokober ng PBA beat, si Ginebra big man Greg Slaughter.

Si Bong Alvarez ang unang nakatanggap ng award na ito noong 1993.

Kikilalanin din ang Mighty Sports Defensive Player of the Year at All-Defensive Team sa pagtitipon na ipiprisinta ng Cignal TV.

Tampok ang Coach of the Year na parangal sa dalawang oras na okasyon na iaabot ng pamilya ng namayapang dakilang mentor Virgilio ‘Baby’ Dalupan kung saan isinunod ang award.

Ang isa pang malaking karangalan ay ang Executive of the Year na pinangalan sa yumaong mabait na Crispa team owner na si Danny Floro.

Sa halos dalawang dekada, magkakaroon din ang PBAPC ng Game of the Season award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?