121

Nov 26, 2017 @ 10:30
By

Kelly Williams, Comeback Player of the Year

Naibanda ni ­Kelly Williams sa panga­lawang pagkakataon sa kanyang career ang ­tikas kaya makakatanggap ng parangal sa PBA Press Corps 24th ­Annual Awards Night sa Nob. 30 sa ­Gloria Maris Restaurant sa ­Gateway Mall.

Gagawaran si 35-year-old Williams ng Bogs Adornado Comeback Player of the Year na pinangalan sa dating PBA great na nagtagumpay sa pagbabalik mula sa career-threatening injury para maging isa sa tatlong players na nagwagi ng hindi bababa sa tatlong MVP titles sa 42-year pro league history.

Tinalo ni Williams, dati ring MVP, si Ginebra big man Greg Slaughter sa special award na pinagkakaloob ng grupo ng sportswriters na regular na kumokober ng PBA.

Si Bong Alvarez ang unang nakatanggap ng award na ito noong 1993.

Kikilalanin din ang Mighty Sports Defensive Player of the Year at All-Defensive Team sa pagtitipon na hatid ng Cignal TV.

Tampok sa okasyon ang Coach of the Year award na iaabot ng pamil­ya ng namayapang ­alamat na si Virgilio ‘Baby’ Dalupan.

Ang isa pang mala­king karangalan ay ang Danny Floro Executive of the Year.

Sa unang pagkaka­taon, magkakaroon ang PBAPC ng Game of the Season award. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?