17

Mar 4, 2021 @ 17:55
By

Kelly Williams balik sa TNT, 2 taon kontrata pinirmahan

Muling magbabalik sa PBA si veteran Kelly Williams matapos itong mabigyan ng two-year contract kasama ang TNT Tropang Giga, anunsyo nitong Huwebes.

Noong nakaraang taon, inanunsyo ng former PBA Most Valuable Player ang kanyang pagreretiro sa paglalaro sa liga matapos ang 15 season.

“Welcome back Kelly, great to have you back,” wika ni TNT team governor Ricky Vargas sa isang pahayag.

“We would like to welcome Kelly back to TNT Tropang GIGA,” saad naman ni team manager Gabby Cui. “His leadership and experience will help us achieve success in the coming conference.

Samantala, maiispatan rin ang 6-foot-6 cager sa Instagram video ni head coach Chot Reyes kung saan nag-eensayo ang ilan sa miyembro ng Tropang Giga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?