4

Apr 16, 2021 @ 17:49
By

Kelley Day negatibo sa COVID

Negatibo sa COVID-19 si Miss Eco International first runner-up Kelley Day.

Inanunsyo ito ng Miss Eco International sa kanilang Instagram Stories noong Huwebes.

Sa kabila ng pagnegatibo ay mananatili pa rin si Day sa Egypt dahil sa mga quarantine restriction sa Pilipinas.

Magugunitang tinanghal na first runner-up si Day sa Miss Eco International na ginanap sa Egypt noong April 4, kung saan nagwagi si Gizzelle Uys ng South Africa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?