596

Dec 11, 2017 @ 13:28
By

Keempee-Vina ‘balikan blues’ sa That’s reunion

Isa sa masaya sa reunion na ‘yon ay si Keempee de Leon. Makikita sa Instagram post niya ang photos na nagchichikahan ang mga dati niyang kasamahan.

“That’s Entertainment reunion… Great to see everyone after 20 years. Grabe!” sabi ni Keempee.

Pero siyempre, happy rin si Keempee na naka-duet niyang muli si Vina Morales, na naging ka-love team (o nakarelasyon) niya noon.

“Dahil reunion ng That’s… pinag-duet kami ni Vina. Eh, kumusta naman sa likod si Beb? (Harlene Bautista),” sey ni Keempee.

Anyway, si Keempee nga ang itinuturing na 2nd love ni Vina. At bongga naman na after ilang taon, nagkabalikan sila, sa pag-duet, sa isang party. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?