1,137
Keempee sa paglabas sa ‘It’s Showtime’: Trabaho lang walang personalan
By

Keempee sa paglabas sa ‘It’s Showtime’: Trabaho lang walang personalan

Inamin ni Keempee de Leon na sinabihan siyang huwag nang bumalik sa “Eat Bulaga!” matapos niyang mag-co host dito ng mahigit sampung taon.

Sa report ng PEP, hindi niya sinabi ang dahilan kung bakit pero ipinaalam daw niya sa kanyang manager na si Malou Choa-Fagar ang paglabas niya sa “It’s Showtime” bilang bahagi ng promo ng “Nang Ngumiti Ang Langit” kung saan kasama siya sa cast na nakatakdang ipalabas sa ABS-CBN.

Aniya, pinakiusapan siya ng kanyang manager na huwag lumabas sa “It’s Showtime” dahil katapat ito ng “Eat Bulaga!” pero ipinaglaban daw niya ito dahil lumipat naman na siya at alam umano ito ni Malou.

Dagdag pa niya, hindi naman umano porke magi-guest siya sa katapat na programa ng “Eat Bulaga!” ay nagrebelde na siya.

Para sa kanya ay professionalism lang sa trabaho ang kanyang ginawa at sana umano ay maintindihan siya na trabaho lang ang kanyang ginawa at huwag naman aniyang personalin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?