966
Keempee muntik pakasalan si Carmina
Apr 1, 2019 @ 19:13
By

Keempee muntik pakasalan si Carmina

Isa-isang ibinunyag ni Keempee De Leon ang mga ex-girlfriend niya sa showbiz na ikinabigla ng ilang netizens.

Sa panayam kay Kimpoy sa “Tonight With Boy Abunda”, kabilang sa mga dati niyang nakarelasyon sina Carmina Villaroel, Vina Morales, Ara Mina, G. Toengi, Jessa Zaragosa at Ina Raymundo.

Aniya, sa kanyang mga nabanggit, si Carmina umano ang pinakamatagal at pinangarap niyang pakasalan noon.

Inamin naman niyang siya ang may kasalanan kaya sila naghiwalay noon ni Carmina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?