95

By

Keanna Reeves nakalaya na sa kalaboso

Sharing is caring!

Nagpiyansa ng P90,000 ang aktres na si Keanna Reeves para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nakulong si Reeves, Janet Duterte sa tunay na buhay, dahil sa kasong cyber libel na inihain sa kanya ng negosyanteng si Nancy Dimaranan.

Sa reklamo ni Dimaranan siniraan siya nang husto ng kauna-unahang nanalo sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition sa Facebook live nito.

Ang diumano’y paninira kay Dimaranan ay dahil nag-taxi na lang pauwi si Reeves matapos ang kanyang performance sa pag-aaring bar ng una sa Biñan City sa Laguna.

Noong Nobyembre 7 isinilbi ng mga tauhan ng Laguna CIDG at Calamba City Police ang warrant of arrest kay Reeves sa Timog, Quezon Avenue.

Ang warrant ay inisyu ni Calamba City Regional Trial Court Judge Maria Florencia Baculo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?