176

By

Keanna Reeves may pagnanasa kay Enrique Gil

Sharing is caring!

Nasa news na naman ngayon ang sexy actress na si Keanna Reeves dahil sa demanda sa kanya ng negosyanteng si Nancy Dimaranan ukol sa Cyber libel. Pero ang aming tsika rito ay ukol sa lovelife ni Keanna at sa ibang encounter niya sa opposite sex.

Matapos mag-greet sa tagapanood ng TNT (tambayan ng Tsika), online podcast show ng Abante Tonite, na nag-guest siya last week, pabirong banat agad ni Keanna:

“Ano ba ito, babuyan pa rito,” tawa niya. “Parang kinakabahan na ako eh,” sabay halakhak ulit nang malulutong.

Nagkuwento siya sa kanyang bagong boyfriend.

“Mayroon akong bagong love life, mapapanood niya… Sila ay datu from Cebu… ‘Hi honey, binati na kita, ha.’ Bago pa lang (kami), kaso lang hindi ba kapag datu, hindi uso sa kanila ang ligaw-ligaw. Kapag gusto, ay gusto… so they can get ten wives. Pero, single pa siya.”

Kahit hindi pa kayo kasal, may chorvahan na ba?

“Wala pa naman, bawal kasi sa kanila iyon, eh. Kasi kailangan, iano muna kayo, may-seremonya, bago ang chorvahan. So at least hindi na niya ako maibabalik. No return, no exchange! Hahaha!”

Sino ang actor na ini-imagine mo, na gusto mong maka-sex?

“Marami eh, iyong ini-imagine ko… Ay! Kaso lang ang naririnig ko, dyutay daw, eh. Pero baka madagdagan ang kaso ko, hahaha! Actually, crush ko talaga siya, pero I heard na hindi raw siya blessed eh, Kapamilya siya.”

Sino ang young actor na gusto mong matikman?

“Dati ito ha, noong hindi pa kami magkakilala, kasi nanonood si Datu. Siguro iyong… marami eh, unang-una si Enrique Gil, kasi parang ang sarrrappp, sarrrappp niya hindi ba?” saad ni Keanna patungkol sa isa sa stars ng teleseryeng Bagani.

“Siyempre, imagination lang naman iyon. Mangarap ka na lang din, alangan namang mag-imagine ka, si Long Mejia? Hahaha!”

Dagdag pa niya, “That time noong sexy star pa ako, mukha akong pera noon, e. Mahilig naman ako sa bagets, kaya lang ang priority ko ay yung mayaman. Pero siymepre nang nagka-pera na ako, after ng PBB, mga bagets na ang gusto ko. Hahaha!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?