448

Keanna Reeves arestado sa cyber libel

Sharing is caring!

Sinundo ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa loob ng isang sasakyan sa President Tower sa Quezon City ang PBB Big Winner na si Keanna Reeves upang pormal na ihain ang warrant of arrest sa isinampang kaso laban sa kanya ng negosyanteng si Nancy Dimaranan.

Sa tatlong video na naka-post sa Facebook account ni Dimaranan, makikita ang mga pangyayari sa paghuli ka Reeves.

“Makakaganti na po ang mga anak ko at ako sa mga ginawa po ni Keanna Reeves sa akin. Sampu ng aking pamilya at lalong-lalo nap o sa LGBT community, para sa atin po ang laban na ito,” ani Dimaranan sa kanyang video.

Maayos namang sumama si Reeves sa awtoridad at sumakay pa sa kotse ni Dimaranan.

Nagkaroon pa ng palitan ng salita ang dalawa bago tuluyang makasakay sa kotse.

Sinabi ni Reeves na, “Hi, I dont care” na sinagot naman ng negosyante na “I don’t care too, makukulong ka. ‘Yan ba ang PBB Grand winner? Maglakad ka ngayon.”

Sa ikalawang video na naka-post sa Fb ni Dimaranan ay ang eksena sa loob ng kanyang sasakyan na makikitang nagkaroon pa sila ng mga argumento aktres.

Dumaan pa ang grupo ni Dimaranan, kasama ang CIDG sa Camp Crame bago tumungo sa Cabuyao City Jail.

Matatandaang nagsimula ang pagtatalo ng dalawa nang mag-perform si Reeves sa Comikera, na pag-aari ni Dimaranan, noong Hulyo 14 nitong taon.

Panoorin ang naging interview ng Tambayan ng Tsika kina Reeves at Dimaranan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?