55

Jun 23, 2022 @ 13:19
By

Kean ligwak na sa Callalily

Kinumpirma na ni Kean Cipriano ngayong Huwebes na wala na siya sa Callalily matapos ang 17 taon ng pagiging frontman ng banda.

“Callalilly is done. I’m moving on, I’ve moved on, moving forward and I wish them all the best,” pahayag niya sa ABS-CBN PUSH.

Sinabi niya, matapos ang halos dalawang dekada, panahon na ito para gumawa ng ibang bagay.

“I hope they find it, kung sino man. I mean you know I wish them really all the best ‘di ba. Like I said, Callalilly is done and kung ano man ‘yung gusto nilang gawin… I mean,’yun naman talaga ang point nito ‘di ba na in 10 years babalikan naming lahat at magpapasalamat kami sa isa’t isa and that was a good call, di ba? ‘Yung growth natin, iba na siya ngayon, I really wish them well,” saad pa niya.

Binanggit din niya na hindi na babalik ang dating banda matapos siyang tanungin kung ayos lang sa kanya kung magkaroon ng reunion gigs.

“Hindi na magbabalik ‘yung dating Callalily,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?