Bukod kina Maine Mendoza, Juan Miguel Severo, at Vice Ganda, naglabas din ng sentimyento ang iba pang mga Filipino celebrity hinggil sa pagpatay ng isang pulis sa isang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Naging viral ang video ng pamamaril ni Parañaque police officer Jonel Nuezca sa mga kapitbahay niyang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio, sa harap mismo ng 13-anyos na anak ng pulis.
Nagkasagutan ang mga biktima at mga suspek dahil sa paggamit ng boga ng mga biktima sa labas ng bahay nila. Pumanaw ang mga Gregorio.
Dahil dito, nanguna sa Twitter PH trends ang hashtag #StopThe KillingsPH, gayundin ang #JusticeForSonyaGregorio at #EndPoliceBrutality.
“Tama na,” ang bulalas ni Gabbi Garcia. Samantala, pinagigising nina Kean Cipriano at Kakie Pangilinan ang Pilipinas.
#StopTheKillings ENOUGH. Came across the video and my heart is crying for the mother and son who died. ENOUGH! TAMA NA.
— Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) December 20, 2020
GALIT NA GALIT AKO!
Gising Pilipinas! Grabe na tong nangyayare!
Let’s do something about this. #StopTheKillingsPH #EndPoliceBrutality #JUSTICEFORFRANKGREGORIO #JusticeforSonyaGregorio
— Kean Cipriano (@keancipriano) December 21, 2020
nakakalungkot, nakakagalit — mas lalo na dahil hindi na nakakagulat. ano nang nangyayari pilipinas? gising na ba?
— kakie (@kakiep83) December 20, 2020
Nanghina naman si K Brosas habang wasak ang puso ni Catriona Gray at inalala ang iba pang mga biktima na hindi nakuhanan sa video ang huling sandali ng mga ito.
Hindi ko kayang panoorin yung video.. nakakapang hina kahit pics Lang nakita ko at article.. Grabe na to lord!! Ganon ka casual?!?! Kahit alam nya na may camera?! Hayyyy!!!! #StopTheKillingsPH 🤬😭🤬😭
— carmela brosas (@kbrosas) December 21, 2020
Outraged and heartbroken. 😔 The fact that it happened in broad daylight, surrounded by others, in front of their own children.
When a video makes it real…I can't help but think of all the times there were no cameras, no witnesses…no video…no justice. #StopTheKillingsPH— Catriona Gray (@catrionaelisa) December 21, 2020
Nilarawan naman ni Janella Salvador bilang “hindi makatao” si Nuezca, habang “pure evil” para kay Jed Madela ang pamamaslang ng parak.
Giniit ni Madela ang hustisya para sa pamilya Gregorio.
How inhumane can you be to take actual human lives like that so confidently for your own selfish reasons— IN FRONT OF YOUR OWN CHILD— LIKE IT’S NORMAL? This is what it has come to in our country. Sick. My father is a policeman my ass. #StopTheKillingsPH
— Janella Salvador (@superjanella) December 21, 2020
That was just pure evil!!! JUSTICE for the family! That policeman should pay! #StopTheKillingsPH #StopTheKilling
— jedmadela ⁷ (@jedmadela) December 21, 2020
Punto ni Bianca Gonzalez, dapat nang matigil ang “police brutality.” Samantala, hindi na ramdam ni Alex Diaz na ligtas siya sa otoridad.
Binigyan naman ni Agot Isidro ng ibang pakahulugan ang PNP–hindi Philippine National Police, kundi “Patay Nang Patay.”
Na parang normal lang ang pagbunot at pagputok ng baril. Na parang wala lang ang buhay ng dalawang taong walang laban at hindi nanlaban. Na kung walang video na nakuha ay hindi pa malalaman ang kawalanghiyaang krimen na nangyari.#EndPoliceBrutality
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) December 21, 2020
Our Law Enforcement does not make us feel safe. Our streets do not feel safe—this is not okay. #StopTheKillingsPH #JusticeforSonyaGregorio #PULISANGTERORISTA
— △lexander Diaz ♚ (@alexandermcdizz) December 21, 2020
PNP = Patay Nang Patay
🤬🤬🤬
— Agot Isidro (@agot_isidro) December 21, 2020
Hinahanda na ng Paniqui Municipal Police ang reklamong double murder laban kay Nuezca.