178

By

Kean, Chynna may bagong baby

May bagong miyembro ang pamilya Cipriano matapos ianunsyo ni Kean na nagdadalang-tao muli ang asawang si Chynna Ortaleza.

Sa Instagram post ng singer-songwriter, makikita ang baby bump ni Chynna kasama ang panganay nilang si Stellar.

Humihingi naman ng suggestion si Chynna sa kaniyang mga followers kung ano ang magandang ipangalan sa kanilang baby number 2.

Marami naman ang bumati sa mag-asawa sa bagong blessing sa kanilang buhay.

“Congrats Happy For you and Chynna sana sa susunod ako naman hehehe! nakaka goodvibes to!” ayon kay Yasmien Kurdi.

“CONGRATS!!!!!” pagbati naman ni Chariz Solomon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?