52
Ke-Rain or Shine o sino pa makabalik lang -- Almazan

Ke-Rain or Shine o sino pa makabalik lang — Almazan

Mukhang Rain or Shine pa ang unang makakatuos ni Raymond Almazan kapag kinaliskisan ito sa Meralco jersey sa PBA Commissioner’s Cup eliminations.

Siniwalat Lunes ni team manager Paolo Trillo na sasama pa lang ang 29-anyos at may taas na 6-8 na basetbolista sa drills ng Bolts sa Linggong ito at malamang na sa katapusan pa ng Mayo mabibinyagan sa bago niyang jersey – kontra RoS.

Ang pagkaantala sa pagbabalik-aksyon ng tubong Orion, Bataan, produkto ng Leran at dating NCAA MVP ay bunsod sa pagpapalakas pa ng katawan at balik-porma tapos ang matagal na pagkatengga dahil sa sprain at right calf injury sa season-opening Philippine Cup.

Naitakda na ang programa kay Almazan tapos niyang pasahan ang physical test ng Meralco na kumumpleto na rin sa pag-trade sa kanya ng Elasto Painters sa Bolts kapalit ng 2019 at 2021 first round picks.

Pero para sa cager, ‘di na mahalaga kung sino pa ang makaharap niya sa kanyang pagbabalik-hardcourt. Ang importante aniya ay ang makalaro na ulit agad siya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?