100

By

KD, magreretiro sa edad na 35

Sharing is caring!

Balak mag-retire sa basketball ng two-time reigning NBA Finals MVP na si Kevin Durant sa edad na 35.

Hindi pa kuntento si Durant sa kabila ng lahat ng parangal na natanggap niya at planong manatili ng limang taon pa sa NBA.

“It’s not about the record, I can leave the game knowing I did everything I wanted to do, my way, on my terms. That’s how I want to leave the game,” sabi ni Durant.

Sa kanyang basketball career, nakaipon si Durant ng 20,913 points kung saan nakapuwesto siya sa rank 36th ng NBA’s all-time scoring list.

“No matter how many points I score, no matter how many people I pass up, no matter how many points I leave on the table, my legacy, as we always like to talk about, I can go up and ask any person who has ever seen me play and they’ll have a different way of viewing my game,” sabi ni Durant.

Oras na lisanin ni Durant ang NBA, plano niyang magbukas ng NBA franchise. (Anne Lorraine Gamo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: