108

Dec 6, 2021 @ 16:52
By

KD Estrada tanggap na hanggang friends lang sila ni Anji

Unti-unti na umanong natatanggap ni PBB Kumunity Season 10 housemate KD Estrada na hanggang magkaibigan lang sila ng kapwa housemate na si Anji Salvacion.

Nagkausap sina Anji at KD sa isang ‘friendly date’ sa loob ng Bahay ni Kuya na ipinalabas nitong Linggo.

“You know I was crying yesterday. There’s just something that was opened up. And I felt like that it was my fault again,” saad ni Anji. “They think na you might get the wrong idea again and maybe daw you’re not telling me the truth.”

“The truth about what? What I feel?” sagot naman ni KD.

“Well. In all honesty, yeah, I lied. But the reason why I lied, it’s a bad thing for the good reason. I lied because I didn’t want to make you feel pressured. Right now, I am focusing on myself. I mean I can’t erase it like just, like that. … but it’s more healthy na,” dugtong pa ni KD.

“That’s good. I am proud of you and that’s the only think that makes me worried a lot,” tugon naman ni Anji.

Sa confession room ay sinabi ni KD kay Kuya na unti-unti na siyang naghihilom sa kanyang heartbreak kay Anji.

“I have to focus on me first. Right now we are just friends lang. It’s nice. Kasi dati it used to be awkward talaga. Like we’re not sure if we are friends or not. Pero now at least there’s something clear. Feelings can’t just go away in a snap of a finger. It will take time to heal but I’m gradually going there. I am gradually healing na po,” ani KD.

Matatandaang kinompronta ni KD sa loob ng bahay si Anji para sabihin ang nararamdaman nito, ngunit sinabihan siya na hanggang magkaibigan lang ang maibibigay ng babaeng housemate. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?