104

Nov 28, 2020 @ 11:47
By

KC tumulong makapagbigay ng bangka sa mga nasalantang Bicolano

Tuloy-tuloy ang pagtulong ni KC Concepcion sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na bagyong tumama sa bansa.

Sa Instagram ni post ni KC, nagpasalamat siya sa mga bumili sa kanyang jewelry line na Avec Moi, na nakalikom ng P200,000.

Ang naturang pera ay ibibigay sa World Wildlife Fund for Nature Philippines para sa kanilang Project Silong.

Sa ilalim ng naturang proyekto, target na mabigyan ng 2,511 fiberglass na bangka ang mga mangingisda sa Bicol.

Bukod pa dito, makapagbibigay din ng 200 pack ng relief goods ang aktres sa mga komunidad ng Cagayan Valley sa tulong ng opisina ni Vice President Leni Robredo at Kaya Natin Movement.

 

https://www.instagram.com/p/CIFJUxzHE8W/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?