55

By

KC napatawad na si Piolo

Sharing is caring!

Nagkapatawaran na si KC Concepcion at ex-boyfriend nitong si Piolo Pascual makalipas ang pitong taon ng kontrobersiyal nilang break-up.

Ani KC, maganda ang samahan nila ngayon ni Piolo bilang magkaibigan.

Inihayag ito ni KC sa reply nito sa komento ng isang netizen hinggil sa status nila ngayon ni Piolo.

“My wish is maging mag-friends na kayo ni Piolo Pascual at accept doing a [photo op] with him. Just for the happiness of your fans,” sabi ng netizen sa Instagram.

“We are good. Piolo and I have forgiven each other and know that we will care about each other as friends. Hay nako, baka nahuli na po kayo sa balita. Hehe,” sagot naman ng anak ng Megastar.

Taong 2011 nang aminin ni KC na hiwalay na sila ni Piolo sa exclusive interview kay Boy Abunda.

Nagkalapit ang dalawa nang gawin nila ang “Lovers in Paris” noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?