122

Jun 30, 2020 @ 22:02
By

KC Montero laya na

Nakauwi na sa bahay si KC Montero na kabilang sa mahigit 100 indibiduwal na dinampot noong Linggo sa isang restaurant-bar sa Makati City dahil sa umano’y paglabag sa social distancing.

“Glad to finally be home. I’ll tell you all about it in the next couple of days. A lot of assumptions going around that are completely untrue. But enough of that stuff no? Did I miss anything?” ani KC sa Instagram post.

Nitong hapon inihayag ni Police Major Gideon Ines, hepe ng Makati Police Criminal Investigation Unit, na mayroon nang release order ang 113 indibiduwal na dinakip kabilang si Montero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?