86

Jan 27, 2021 @ 10:21

KC kasama sa Baguio party ni Yap

Isa sa mga dumalo sa birthday celebration ni Tim Yap sa Baguio City si KC Concepcion.

Matagal nang nag-post si KC sa Instagram tungkol sa birthday ni Yap.

https://www.instagram.com/p/CKSoBZVhz1X/?utm_source=ig_web_copy_link

https://www.instagram.com/p/CKWCM7AhEvx/?utm_source=ig_web_copy_link

Pero ngayon-ngayon lang nag-trend sa social media ang mga litrato at video ng mask-less celebration ni Yap sa The Manor sa loob ng Camp John Hay noong nakaraang linggo.

Makikita pa sa isang buradong Instagram story, na ni-repost ng isang Twitter page, ang pagsasayaw nina Yap at Concepcion, kasama ang iba pang bisita kabilang mismo si Baguio City Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong.

Katuwiran ni Yap, lahat naman sila ng mga kasama niya ay na-test na negative sa coronavirus at ang hangad niya ay ma-push ang local tourism.

“Lahat ng mga tao, mayroon silang mga mask. That time papunta na yung mga tao sa buffet table. Pagkatapos noon, kakain na sila so tinanggal nila maskara nila. Pagkatapos noon, pumasok yung mga dancers na mag-community dancing so hindi nila nasuot mask nila na sumayaw sila,” kuwento pa niya.

Samantala, wala pang pahayag si Concepcion sa kritisismo ng mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?