129

By

KC, French guy ang bagong BF

Ipinost na ni KC Concepcion ang kanyang bagong boyfriend sa kanyang Instagram page. Caption ni KC sa picture: “God’s timing is perfect. Warm, genuine, timeless.”

Ayon sa mega daughter “may pusong Pinoy” ang foreign boyfriend. Pierre-Emmanuel Plassart, ang name ng guy at isang French filmmaker-businessman. Halos lahat ng followers ng dalaga ay nagkomento at nagtatanong sa new bf nito.

Pinagbigyan naman niyang sagutin ang mga ito at umamin na ang French guy ang bagong karelasyon.
Sa IMDb.com., pinanganak si Pierre sa Le Mans, France nu’ng Aug. 29, 1982.

Nagtapos ito ng Economic sa France at sa Los Angeles naman ang filmmaking.
Supermarkets daw ang business ng pamilya nito.

Ayon kay KC, na-meet niya ang French guy sa gala dinner ni dating U.S. President Bill Clinton nu’ng 2011.
Ang huling nakarelasyon ni KC ay si Aly Borromeo, ang team captain ng Azkals. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?