137

Jun 16, 2020 @ 19:22
By

KC Concepcion umamin, may nagpapakilig na sa kanya

May bagong nagpapakilig kay KC Concepcion.

Sa online talk show na “I Feel U” noong June 16, kinumusta ni host Toni Gonzaga ang lagay ng puso ni KC.

“Kung sa heart, OK naman ako. I mean, may mga kausap ako and, thank you Lord, ‘di ba, na kinikilig ako, ganyan,” reply ng aktres.

Paliwanag ni KC, sa ngayon ay seryosohan na ang relasyong gusto niya.

“Siyempre, ang hanap natin ngayon, ‘yung medyo mas deeper. Hindi na ‘yung for play-play. Sasabihin ko sa inyo pagdating ng time na alam ko na,” sey ni KC.

Huling naging boyfriend ni KC ang French guy na si Pierre Plassart.

Kasalukuyang nali-link sa kanya ang Black Eyed Peas singer na si apl.de.ap dahil madalas silang maispatang magkasama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?