18

Sep 15, 2021 @ 17:55
By

KC Concepcion rumampa sa riles

Buwis-buhay ang pag-awra ni KC Concepcion sa gitna ng isang riles sa Montecito, California.

Kitang-kita sa IG post ni KC na enjoy na enjoy siya habang pumo-pose sa gitna ng riles.

Ang problema, hindi raw pala alam ng aktres na dinadaanan pa rin ng tren ang riles.

“No I did not know this was a working railway,” pahayag ni KC.

Gayunpaman, nag-enjoy naman daw siya sa buwis-buhay na larawan.

“Enjoyed the moment anyway,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?