270

Oct 4, 2017 @ 14:46

KC Concepcion, ayaw nang mag-artista Deadma sa datung

MARAMI na talaga ang naka-miss kay KC Concepcion. Lalo na ang mga fans nito na kami mismo ang kinukulit kung kailan daw nila makikita ang aktres sa pelikula at telebisyon.

Kung hindi kami nagkakamali, ang huling teleserye ni KC ay ang Ikaw Lamang with Coco Martin, Kim Chiu at Jake Cuenca.

Pero bago ang Ikaw Lamang, she was also seen in Huwag Ka Lang Mawawala with Judy Ann Santos and Sam Milby. From then on, hindi na muling napanood si KC sa telebisyon on a regular basis.

Isang malapit kay KC ang nakausap namin. Ayon dito, may mga offers si KC na TV and movie projects. Pero si KC na mismo ang tumatanggi. Ang madalas na sinabi nito ay, “It should be the right project.”

Base sa kanyang Instagram account (na the only way na nakaka-update kami sa kanya), KC is still doing charity works for United Nations World Food Program where she’s an ambassador.

She is also doing regular dance class with Georcelle Dapat of G Force. No doubt na masayang-masaya si KC sa kanyang personal life. Obvious naman ito sa mga post niya kasama ang boyfriend na si Ally Borromeo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?