321

By

KC binigyan ang yaya ng bahay; pinarangalang Most Elegant Filipina 2018

SI KC Concepcion ay ilan lang sa mga artista na napaka-generous, marunong lumingon sa pinagmulan at mapagmahal sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng inang si ‘Megastar’ Sharon Cuneta.

Kamakailan lang ay sinabi ng yaya ni KC, ang nag-alaga sa kanya mula nang maliit siya, na binigyan daw ito ng bagong tahanan.

Nag-bonding si KC at ang tinuturing niyang pangalawang ina kamakailan. Ipinost ni KC ang bonding moment nila ng kanyang yaya.

Ani ng nanny ni KC: “Binigyan ako ng bahay niyan.”

Ang yaya ni KC hanggang ngayon ay naroroon pa rin kina Shawie. Hindi na rin siya nag-asawa.

Post ni KC sa kanyang Instagram stories: “She cared for me as a baby, would watch over me as my mother worked, and would hide my secrets (and midnight snacks) as a child… lol. As I got older, she would look forward to watching my movies and TV series, and has a big smile every time she’s near me… Up to this day her handwritten cards touch me so much, and so do the tears in her eyes whenever she sees me again after a long time.”

Samantala, may achievement na namang natanggap ang Mega’s daughter kamakailan.

Pinarangalan siya bilang isa sa Most Elegant Filipinas 2018 dahil sa pagiging isa niyang mahusay na aktres at successful businesswoman.

Ang pumili sa kanya bilang Elegant Filipina ay si Ms. Tingting Cojuanco.

Ibinahagi ni KC ang karangalang nakamit sa kanyang social media account.

Pasalamat ni KC: “Thank you Ms. Tingting Cojuangco and those who have placed me on this year’s list of ‘Elegant Filipinas’ inspired to be alongside some of Philippine society’s most beautiful & relevant women of elegance.’ Always proud to be Filipina!”

Siyempre, very proud din ang inang si Sharon dahil sa mga achievement na nakakamit ng anak.

Aside from KC, kasama rin sina Stephanie Zubiri-Crespi, Jessica Kienle Maxwell, Dr. Diana Cua, Carla Guevara-Laforteza, Kai Lim, Apples Aberin, Mai-mai Cojuanco, Small Laude at Marga Montemayor-Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?