87

Jul 6, 2018 @ 19:43
By

Kayod ni Abadiano, Sotto ibinasura ng Argentina

Talsik na sa round of 16 ng 2018 FIBA U17 World Cup ang Batang Gilas, niluray ng Canada 102-62 nitong Huwebes sa Argentina.

Walang naipanalo sa group match ang Filipinos, huling nakipagpukpukan sa host Argentina bago kinapos sa manipis na 74-71 desisyon noong July 4.

Sa-salvage ng ‘W’ ang Batang Gilas, makikipagbuno sa Mali sa July 7 para sa classification phase para sa 9th-16th place.

Hindi binigyan ng Canadians ng field goal ang Filipinos sa first quarter. Barado ang basket, 0 for 14 ang Batang Gilas sa period at ang pitong puntos na nilista ay galing lahat sa free throw line.

Nasapawan ang Filipinos sa rebounds 55-35 at sa assists 23-13.

Pinangunahan ng 19 points ni Gerry Abadiano ang Batang Gilas, may 15 points, 8 rebounds, 4 assists at tig-2 steals at blocks si Kai Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?