609

Jan 8, 2019 @ 20:16
By

Kayo ang nauna! – Duterte sa pagbira sa Simbahan

Muling binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Simbahan sa bisperas ng Traslacion ng Poong Itim na Nazareno.

Kasunod ito ng pahayag ng Rector ng Quiapo Church na si Monsignor Hernando Coronel na hihikayatin niya ang mga deboto ng Poong Nazareno na ipagdasal ang Pangulo at iba pang opisyal ng gobyerno sa gaganaping Traslacion sa Miyerkoles.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang away sa Simbahan pero sila aniya ang nagsimula kaya sumasagot lamang ito.

“I have no quarrel with the Church, kayo ang nauna. Huwag kayong maniwala sa mga tonto na pari na mga ‘yan. So in a separation of Church and state, do not use the platform of the Simbahan para sabihin sa mga tao na demonyo ako, demonic possession sana mamatay na si Duterte,” anang Pangulo.

Ipinaalala ng Presidente ang pahayag ng isang pari na nagmisa sa opisina ni Senador Antonio Trillanes IV na ipagdadasal siya para magkasakit at mamatay.

Sinabi ng Pangulo na hindi tamang gawain ng isang pari o kahit na sinong alagad ng Diyos na ipagdasal na mamatay ang isang tao.

Ito aniya ag dahilan kaya sinabi niyang iba ang kanyang kinikilalang Diyos sa diyos ng Simbahan.

Pabirong sinabi ng Pangulo na hindi pa siya mamamatay at mauuna aniyang mamatay ay ang kanyang ari na tinawanan ng mga bisita.

“Malapit nang mamatay ang utin ko, gago kayo. Hamakin mo ‘yang mga pari na umabot sa edad ko. Itong viagra hanggang ngayon 400 libre pasakit, ang tiyan ko mahapdi masakit pa sa ulo,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?