38

Sep 14, 2021 @ 10:56
By

Kaye Abad mother of two na

Isinilang na ni Kaye Abad ang baby no. 2 nila ni Paul Jake Castillo.

Ibinahagi ng celebrity couple ang good news sa kanilang latest vlog nitong Linggo.


Nagbahagi rin ang aktres ng ilang litrato ni baby boy Iñigo Leon sa kanyang Instagram.


“Meet Iñigo Leon Castillo. Sept. 2,2021. 💙” caption ng aktres.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, isinilang ang baby boy noong Setyembre 2.

Nito lamang Pebrero nang ibunyag ng aktres na preggy uli siya.

Taong 2016 nang ikinasal sila ni Paul Jake at nang sumunod naman na taon ay isinilang na ng aktres ang una nilang dyunakis na si Joaquin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: