61

Oct 9, 2017 @ 14:27

Kaye Abad lalake ang magiging baby

Lalake ang unang magiging anak ni Kaye Abad at ng kanyang hubby na si Paul Jake Castillo.

Sumasabay si Kaye sa gender announcement ng mga buntis ngayon sa showbiz gaya nina Pokwang at Pauleen Luna-Sotto.

Parehong babae ang ipinagbubuntis nina Pauleen at Pokwang ngayon.

Nakaposte sa Instagram wall ni Kaye ang gender announcement ng ipinagdadalantao niya ngayon.

Sa video makikita ang pagbukas nina Kaye at Paul ng kahon, at saka lumabas ang blue balloon na siyang official announcement na lalake ang kanilang magiging first baby.

Kinumpirma rin ni Kaye sa caption ng video ang gender ng magiging baby niya.

@kaye_abad, “it’s a BOY!!!”

Sina Carla Abellana at Mariel Padilla ang ilan sa mga showbiz friends ni Kaye na bumati sa gender announcement nang aktres.

Samantala, mukhang matatag na ang kapit ng bata sa tiyan ni Pokwang dahil nagkikilos nang husto ang komedyana.

Nakakapagluto na nga uli ang Kapamilya artist, nakakapirma na ng autograph para sa kanyang cookbook, at nakakapag-entertain na ito ng kanilang mga bisita.

Di gaya noong mga unang buwan na kailangang mag-bedrest si Pokie para masigurong safe ang kanyang baby sa loob ng tiyan niya. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?