156

Dec 23, 2017 @ 12:46

Kaye Abad, baby boy ang unang anak!

Proud parents sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo matapos manganak ang una ng isang baby boy.

Ibinida ng mag-asawa ang una nilang anak sa Instagram na pinangalanan nilang baby ‘Joaquin’.

“Happy birthday daddy and happy birthday Joaquin!” sabi ni Kaye sa kanyang caption.

Sa picture makikitang hawak ni Kaye ang sanggol katabi si Paul Jake, na nagdiwang din ng kaarawan noong Biyernes kasabay ng kapanganakan ng kanilang baby.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?