16

Jul 26, 2021 @ 14:14
By

Kaya vineto! Anti-endo bill inconsistent – Roque

Nagpaliwanag ang Malacañang kung bakit vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-endo or end of contract bill na ipinasa ng Kongreso, na isa sa kanyang campaign promise noong 2016 elections.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may mga nakita ang pangulo na “inconsistent” sa naipasang batas kaya hindi niya ito pinirmahan at sa halip ay ibinalik sa Kongreso.

“Well alam nyo po yang endo na yan, talagang isa yan sa mga pangako ng presidente bagamat yung bersyon na naipasa ng Kongreso ay vineto rin niya dahil may mga probisyon doon na inconsistent sa tingin ng presidente at sa ating Saligang Batas,” ani Roque.

Pero sa kabila nito, sinabi ng kalihim na nananatili pa rin ang posisyon ng presidente na mawakasan ang endo practice na dinaranas ng maraming manggagawa sa pribadong sektor.

Umaasa pa rin aniya ang Malacañang na maitama ng Kongreso ang mga inconsistencies sa naipasang anti-endo bill para tuluyang matuldukan ang contractualization sa mga pribadong manggagawa.

“Pero hindi po ibig sabihin nito na nabale-wala na po ang endo. Ang endo ay kasama pa rin sa administration bills at inaasahan sana natin na ma-rectify yung ilang mga probisyon na naging dahilan kung bakit vineto ng presidente yung naipasang endo bill ng Kongreso,” dagdag ni Roque. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?