120

Jan 25, 2020 @ 14:46
By

Kaya sinakop ng POGO workers: Moonwalk, Parañaque suwerte sa negosyo

Nagpaliwanag ang tagapagsalita ng Multinational Village Homeowners Association hinggil sa pagsakop ng mga Chinese employee ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Barangay Moonwalk, Parañaque.

Ani Engr. Mel Marquez sa panayam ng Abante, karamihan ng mga Chinese na manggagawa na nagtatrabaho sa POGO na nakaratira sa Multinational Village ay mga overseas worker, 99.9% ay mula sa mainland China.

Naninirahan sila sa mga outlying area ng Metro Manila partikular na sa Parañaque dahil sa malalaking gambling joints gaya ng Solaire at Okada.

Naniniwala rin umano ang mga POGO worker na ang “tail of the dragon” na nasa Multinational Village ay maganda sa business.

Gusto rin aniya ng mga POGO worker ang tahimik na pamumuhay kung saan isa ang Multinational Village sa “most peaceful subdivision”.

“Paglabas mo diyan traffic, etc., magulo pero once you are inside Multinational, believe me 6:00 o’clock you won’t hear anything except cricket and usual dog barking,” wika ni Marquez.

Hindi rin aniya gaya sa ibang village, sa Multinational Village nila ay welcome ang mga POGO worker.

Tingin niya’y nasa 10,000 hanggang 15,000 na ang mga Chinese POGO employee na nasa Multinational Village. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?