12

Dec 8, 2020 @ 15:19
By

Kaya sablay RFID! Salim-MVP tinipid teknolohiya sa NLEX – Gatchalian

Inakusahan ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na kaya nangyari ang problema ng NLEX sa RFID ay dahil sa pagiging kuripot ng NLEX Corp. pagdating sa teknolohiya.

Saad ni Gatchalian, pitong taon na niyang nirereklamo ang palyadong RFID sa NLEX, na pinammahalaan ng Salim group mula Indonesia at Pinoy bilyonaryo Manny V. Pangilinan.

“They are very very negligent. Seven years I’ve been a victim. For seven years, I have called them, their higher ups, not just anybody there. Seven years they did nothing,” lahad ng alkalde sa panayam sa ANC.

Aniya pa, inaabuso ng NLEX Corp. ang kanilang monopoly status kaya binalewala ang mga reklamo sa naturang cashless payment system.

“It’s not the difficulty of acquiring technology, because technology is there. It’s just something they shrugged off: ‘Hey I’m a monopoly, what can you do? Nobody can push us around, so we’ll put it aside,” aniya pa.

Ilan sa mga nirereklamo sa RFID ay ang hindi pagbasa ng mga sensor kapag dumadaan ang mga sasakyan, o kaya’y hindi tama ang load na nakikita ng naturang sistema.

“Probably it’s part of their cost cutting enhancement mechanism, they are probably looking too much at their bottom line. Investing in technology is capital expenditure heavy, they probably just decided to do away with it,” giit ni Gatchalian.

Matatandaan na nitong Huwebes ay sinuspende ng Valenzuela LGU ang business permit ng NLEX at pinagbawalang mangolekta ng toll fee hangga’t hindi naayos ang palyadong RFID system.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?