1,353

By

Kaya pinatumba: Jones sinuntok, Tenorio umamin

Sa aksyon sa PBA sa pagitan ng Ginebra at TNT, hinablot ni import Terrence Jones ang balikat ni LA Tenorio dahilan para bumagsak ito sa hardcourt.

Tinawagan ang TNT import ng flagrant foul penalty 1 dahil sa pangyayari, ngunit iginiit na may dahilan kaya niya nagawa ang pagpapatumba sa Ginebra guard.

Saad ni Jones, gumanti lamang siya sa panununtok sa kanya ni Tenorio sa bandang tiyan, na mas lalong ikina-badtrip ng import ng makalusot sa mga mata ng referee.

“I just wanted to be aggressive. He kinda punched me in the stomach beforehand and they didn’t call it,” ayon kay Jones.

Umamin naman si Tenorio sa nagawa, ngunit sinabing hindi gumanti lamang din umano siya dahil tinamaan din siya ni Jones bago ang kanyang pagsuntok.

“I’m going to admit ‘yung ginawa ko pero sana tignan muna nila kung anong ginawa kasi hindi ko naman gagawin ‘yun kung hindi niya ginawa sa akin eh,” ayon sa Ginebra veteran.

“Ang ganda ganda ng laro eh. Nagulat lang ako kasi one time, parang ewan ko, parang pababa ako sa transition biglang sinikmuraan din niya ako eh,” aniya pa.

Hiling ni LA na ma-review ng PBA ang naturang pananakit na nangyari rin daw sa third quarter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?