1,032

Oct 28, 2021 @ 13:13
By

Kaya pinapatakbo si Duterte! Cusi desperado na – Pimentel

Desperadong hakbang umano ang ipinapakita ng grupo ni PDP-Laban president Energy Secretary Alfonso Cusi sa pagkumbinsi nila kay Pangulong Rodrigo na tumakbo sa pagka-senador sa susunod na halalan, ayon kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel III.

“Shows desperation on the part of [Energy Secretary Alfonso] Cusi and his group,” pahayag ni Pimentel nang hingan ng komento hinggil sa paghikayat ng grupo ni Cusi kay Duterte na sumabak sa senatorial race sa eleksyon 2022.

Sabi ni Pimentel, lumalabas aniya na mahina ang kandidato ng grupo ni Cusi kaya hinikayat nila ang pangulo na tumakbo sa pagka-senador.

“They give [the] impression that they do not have strong candidates within their group and that they are all simply riding on and are totally dependent on the popularity and strength of personality of the incumbent president,” ani Pimentel.

“That for us is ‘personality politics’ which we want to see ended here in [the Philippines] as soon as possible,” dagdag pa nito.

“The good future of our country is better assured by a program of government approved by the people [through] their votes than by blind loyalty to a mortal person with the expectation of a return favor,” ayon pa kay Pimentel.

Sina Pimentel at Cusi ay mula sa magkakalabang paksyon ng PDP-Laban. Ang dalawang grupo ay may hiwalay na kandidato para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.

Sa grupo ni Pimentel, si Senador Manny Pacquiao ang kanilang kandidato sa pagka-presidente habang sa grupo naman ni Cusi si Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Christopher “Bong” Go, dating presidential aide ni Duterte. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?