167

Apr 18, 2021 @ 15:38
By

Kaya nauso community pantry: Mga Pinoy desperado na sa tulong ng gobyerno – Lacson

Desperado at dismayado na umano ang taumbayan dahil sa kawalan ng tulong mula sa pamahalaan sa panahon ng pandemya kaya lumutang ang community pantry sa ilang lugar sa Metro Manila, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sabi nito, maganda aniyang inisyatibo o pagkukusa ang magtulungan ang isa’t isa sa gitna ng pandemya at pinapakita lang nito na hindi nila kailangang umasa sa tulong ng pamahalaan.

“It is good that through the community pantries, we see mutual aid by neighbors and barangay residents. But this is also a sign of desperation, that people can no longer rely on the government to help them,” pahayag ni Lacson sa panayam sa DZBB.

“That said, those involved in community pantries must also remember to follow the proper health protocols to make sure they do not get infected,” dagdag pa nito.

Nitong nagdaang mga araw, naglitawan ang iba’t ibang community pantry sa Metro Manila kung nagbibigay ng libreng pangangailangan tulad ng bigas, kamote, noodles, de lata, gulay at iba pa para sa mga nangangailangan.

“When you realize you cannot rely solely on government, you band together to find ways to survive,” sabi ni Lacson.

Samantala, nababahala si Lacson sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang pagkukulang ang pamahalaan sa pagharap sa pandemya, na aniya’y magbibigay ng maling senyales sa kanyang mga subordinate.

Ayon kay Lacson, kung iisipin aniya nina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala silang maling ginawa, hindi na sila gagawa ng adjustment kung paano nila ginagawa ang kanilang trabaho.

“If the President says they have no shortcomings and his subordinates believe it, they will not see the need to make adjustments,” sabi ni Lacson.

“But we all know the government has had many shortcomings, including the late purchase of vaccines and over-regulation of the private sector,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?