152

Jul 6, 2019 @ 15:03
By

Kaya napalipat si Kawhi: Paul George sinungkit din ng Clippers

Sulit ang naging pagtitiyaga ng Los Angeles Clippers, nanalo sa agawan kay Kawhi Leonard, nagdagdag pa ng isang dating MVP contender.

Ayon kay ESPN insider Adrian Wojnarowski, lipat din sa Clippers si Paul George, napapayag sa trade ang Oklahoma City Thunder.

Magiging kapalit ni George ay ang pinakamaraming na-trade na draft picks sa NBA.

Apat na unprotected first-rounder, isang protected first round pick, dalawang pick swap ang ipapalit ng Clippers kay George.

Bukod pa sa bulto ng picks, sama din sa package sina Danilo Gallinari at Shai Gilgeous-Alexander.

Ayon kay Shams Charania ng The Athletic, hindi na umano nagkakasundo sina OKC star Russell Westbrook at George sa koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?