453

By

Kaya nakatakbong senador: De Lima tunay na sangkot sa droga – Duterte

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senadora Leila de Lima na giniit na sangkot sa bentahan ng illegal na droga ang nakadetineng mambabatas.

Ayon kay Duterte, sakto ang drug chaeges kontra kay De Lima at tinuturing na insulto sa kanya ang mga hindi naniniwala sa akusasyong ito.

“The greatest insult that I have received from these people is they refused to understand that the case against De Lima is true and accurate. They took the line of the left that she is a political prisoner,” pakli ng Pangulo sa ika-80 anibersaryo ng Department of National Defense sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

“On my oath as President, I’m telling you, it is true,” aniya pa.

Patunay pa ni Duterte na kaya umano nakatakbo sa 2016 senatorial elections si De Lima ay dahil daw sa nakuha nitong milyones sa drug trade.

“If she really did collect money, why? She was not into business but ambitions can blind you. That is why you need money to run for senator. You need millions to do that,” paliwanag ni Duterte.

“She does not have any business. I have not heard that she owns a mall. Where do you get the money when you run? And that started everything. It always sometimes to go to — greed or if you aspire for things which you cannot afford and really want to get it.”

Kasalukuyang nakadetine si De Lima sa Camp Crame simula noong February 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?