275

Kaya may krisis! MWSS ipinagdamot ang tubig ng Maynilad sa Manila Water – ex-MWSS employee

Ipinasara ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang La Mesa bypass para paburan ang Maynila, ayon sa dating emplyeado ng MWSS.

Sa Facebook post ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty, nag-comment ang isang Angel Salazar, na naging empleyado umano ng MWSS sa loob ng tatlumpung taon sa ahensya mula 1982 hanggang 2012.

Saad ni Ty sa kanyang FB post, ipinaliwanag na hindi na sapat ang of 1600 million liters kada araw na suplay ng tubig kaya kinailangan ang water interruption sa kalakhang Maynila at sa ilang parte ng Rizal.

Nagkomento naman si Salazar, nagbigay ng solusyon para maibsan ang problema sa tubig.

“Open the bypass and the problem will be solved,” saad ni Salazar.

Bumalikwas naman si Ty, sinabing hindi niya batid ang pagpapasara ng nasabing bypass, na kaagad namang sinabi na ang MWSS board lang ang may kapangyarihan na ipasara ito.

“Pinasara ng MWSS board ito para lahat ng tubig pumunta ng maynilad kaya natuyo la mesa dam. Kung bakit inutos ng mwss ito, your guess is as good as mine,” ani ni Salazar.

Si Salazar, na ayon sa Facebook profile ay isang UST civil engineering graduate, ay itinuro na nais ng Maynilad na manatiling sarado ang bypass para mas makakuha ng mas mataas kaysa sa kanilang water allocation.

“OPEN THE BYPASS and see the result. A friend of mine designed that bypass, i conceptualized its need to have it constructed. the by[pass is under Manila Water’s control but the problem lies with the MWSS regulatory board, which oversees the 2 concessionaires,” saad nito.

Ibinuko pa ni Salazar na dahil umano sa korapsyon kaya isinara ang naturang bypass.

Ayala group of companies like Manila Water are known for their integrity in going about their business, the government is famous for its corrupt practices,” ayon pa sa dating empleyado ng MWSS.

Basahin ang buong post sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?