9

Aug 31, 2020 @ 16:45
By

Kaya lumayas na lang: Paraiso takot masuspende ang UST

Hinayag na ni Brent Paraiso ang dahilan kung bakit nito iiwan ang UST kasunod ng pagtanggal kay CJ Cansino sa koponan.

Paliwanag ng dating Lasalista, hindi niya sana gustong umalis sa poder ng Growling Tigers, ngunit ayaw rin sumugal na baka masayang ang kanyang huling playing year sa collegiate league sakaling suspendehin ang team.

“Pag nag-stay ako, na-suspend ang UST, sayang ang last playing year ko,” saad ni Paraiso sa The Varsitarian.

Iniimbestigahan ng school administration at UAAP ang naging ensayo ng men’s basketball team sa Sorsogon sa kabila ng pinaiiral na community quarantine sa bansa.

Haharap ang mga opisyal ng UST sa mga kinatawan ng Philippine Sports Commission, Commission on Higher Education, Department of Health at Games and Amusements Board, kung saan hahatulan kung may nagawa nga bang paglabang ang Growling Tigers.

Para naman kay Paraiso, maaari pa rin siyang maglaro sa collegiate level sa NCAA, ngunit hindi na puwede sa UAAP dahil sa one-year residency rule.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?