383

By

Kaya hindi maaway ang Tsina, Duterte iniisip ang kapakanan ng mga OFW dito

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kapakanan ng may apat na daang libong Pilipinong nagtatrabaho sa China ang dahilan kaya hindi niya maaway ang China.

Sa kanyang talumpati sa Araw ng Pasasalamat para sa Overseas Filipino Workers na ginanap sa Kampo Aguinaldo noong Biyernes ng gabi, sinabi ng Pangulo na sinisikap niyang maging kalmado para hindi maapektuhan ang kalagayan ng mga ofw sa nabanggit na bansa.

Sinabi ng Presidente na palaaway siyang tao pero nagdadahan-dahan siyang bumanat dahil iniisip niya ang kapakanan ng mga manggawang Pinoy na nasa Iba’t ibang bansa.

“Ako nagdadahan-dahan lang na makipag-ano sa kanila because marami na ang Pilipino sa China. Almost like 400,000, i cannot just…Palaaway man ako pero I have to think of Filipinos everywhere,” anang Pangulo.

Marami aniyang mga pulitikong nag-uudyok para awayin niya ang China subalit kailangang isipin at isaalang-alang ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa China at iba pangmga bansa.

Matatandaang minsan ng nagalit si Pangulong Duterte sa gobyerno ng Kuwait matapos mapatay ang isang ofw na isinilid sa freezer ng kanyang mga amo at ipinatigil pansamantala ang pagpapasala ng mga manggagawang Pinoy.

Sa kaso naman ng China, hindi ofws ang dahilan ng kontrobersiya kundi ang mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?