21

Sep 15, 2020 @ 16:31
By

Kay Liza lang malakas? PBA commentator pinutulan ng PLDT kahit bayad

Dismayado si sports commentator Magoo Marjon sa biglang pagputol ng kanyang PLDT Fibr internet connection kahit pa nakapagbayad ito sakto sa due date.

Sa Twitter, nagreklamo ang PBA analyst sa naturang telco company dahil pinutlan siya ng connection tatlong araw matapos makapagbayad.

Kaagad na tumawag si Magoo sa customer service ng PLDT para magreklamo, ngunit hanggang kinabukasan ay hindi pa rin nababalik ang kanilang internet service.

“You WRONGFULLY cut my connection at 8pm, then can’t do anything about it til the next day?” gigil na pahayag ni Marjon.

Isa pang kinainis niya ay hindi naka-attend ng online class ang kanyang mga anak dahil sa pagkaantala ng serbisyo ng PLDT.

“Dear
@PLDT_Cares
, ‘yun mga anak ko po nag absent na sa online school. Sana naman ako makapasok sa trabaho in 2 hours…” reklamo pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?