38

By

Kay LeBron pa rin! ‘23’ hindi magagamit ni Davis

Kahit pa hinayag na ni LeBron James na handa siyang magparaya at ibigay kay Anthony Davis ang numero 23 sa unang season nito sa Lakers, hindi pa ito masasakatuparan sa parating na season.

Ayon sa report ng Yahoo Sports, kailangang maghintay ni Davis sa 2020-21 season para magamit ang jersey number 23 dahil lampas na sa deadline ang pagpapalit ng numero.

Marso 15 napaso ang deadline, ngunit may exception sa rule sakaling napapayag ng Lakers ang Nike, na gumagawa ng jersey sa NBA, para mapalitan ang jersey number, ngunit ibig sabihin nito ay maaapektuhan ang production cost ng sports apparel.

“But due to production issues and the massive financial hit Nike would have absorbed from the No. 23 James inventory that’s already been produced, Nike could not accommodate the request for this season,” saad sa Yahoo Sports.

Sa ngayon, numero tres muna ang isusuot ni Davis sa parating na season, na ayon sa kanyang Instagram ay huli niya pang isinuot noong siya’y elementary pa lang.

“Taking the number all the way back to elementary school! #3” ayon sa six-time NBA All-Star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?