25

Oct 2, 2017 @ 13:28

Kawhi tuloy ang rehab

Absent si Kawhi Leonard sa buong preseason assignments ng San Antonio Spurs dahil sa right thigh injury.

Sa intrasquad scrimmage nitong Sabado sa AT&T Center, sinabi ng Spurs na sa mga susunod na araw pa malalaman ang timeline ng pagbabalik ni Leonard. Hindi sumali ang All-Star forward sa scrimmage.

“We’re still rehabbing his thigh,” kumpirmasyon ni Spurs coach Gregg Popovich. “And he’ll probably miss the beginning of preseason or a good deal of preseason, and we’re not going to put a timetable (return). But he’s working at it, and we’ll get him back as soon as we can.”

Hindi sinabi ng Spurs kung kailan eksaktong nagka-injury si Leonard.

Nawala sa 2017 playoffs si Leonard nang abutin ng ankle injury sa Game 5 ng Western Conference semifinals kontra Houston, lumala pa ang sprain sa Game 1 ng conference finals. Naupo na siya sa kabuuan ng 4-0 loss ng San Antonio sa Golden State Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?