39

By

Kawhi sinayang ang bola, Toronto nalasap ang kabiguan

Sharing is caring!

Isa si Kawhi Leonard sa pinakainaasahang manlalaro pagdating sa mga krusyal na segundo ng laro, ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin sa naging laban ng Toronto Raptors kontra Detroit Pistons.

Tabla ang laban, 104-104 siyam na segundo ang nalalabi sa game clock.

Tangan ni Kawhi ang bola, na kilalang matinik pagdating sa clutch situation, ngunit nang pa-drive na sa basket ang dating San Antonio Spurs star ay bigla naman nitong napatalbog ang bola sa paa.

Ang kamalasan ni Kawhi, naging suwerte naman para sa Pistons forward na si Reggie Bullock.

1.2 segundo na lang ang nalalabi, ipinasa kay Bullock mula sa inbound ang bola.

Matapos nito ay umangat na ang 6-year NBA player para sa floater, at swak sa basket dahilan upang manghinayang ang Raptors.

Nakuha ng Raptors ang kanilang ikatlong talo sa 15 laro, samantalang angat sa 7-6 kartada ang Pistons.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?