39

Dec 13, 2017 @ 15:41

Kawhi Leonard balik Spurs, ‘di umubra sa Mavericks

Nakabalik na mula sa injury si San Antonio small forward Kawhi Leonard ngunit hindi ito naging sapat para manalo ang Spurs sa Dallas Mavericks.

Impresibo ang pagbabalik ni Leonard mula sa pagliban ng 27 na laro ng season dahil sa iniindang injury sa hita na umiskor ng 13 points at nakasungkit ng six rebounds sa 15-minuto na nilaro.

Ngunit nang ibangko si Leonard matapos tulungan ang Spurs na makalamang sa third quarter, 55-50, ay nakabalikwas ang Mavericks at maiuwi ang 95-89 win sa American Airlines Center.

Umiskor si J.J. Barea ng 14 sa 16 points niya sa second half at nanguna sa rally ng Mavs na sinamantala ang pag-upo ni Leonard.

Nalaglag sa 19-9 kartada ang San Antonio habang umakyat sa 8-20 ang Mavs sa tulong din ng 17 points ni Harrison Barnes, at 12 na puntos at 12 rebounds ni Dwight Powell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?