121

Jun 29, 2019 @ 18:04
By ,

Kawhi kakausapin si Magic, Jeanie

Makikipag-usap si Kawhi Leonard sa Los Angeles Lakers matapos nitong ikonsidera ang free-agency offer nito, ayon sa balitang inilabas ng ESPN.

Pero dalawang tao lang ang gustong kausapin ni Leonard sa panig ng Lakers, ang may-ari na si Jeanie Buss at ang dating presidente ng basketball operations na si Magic Johnson.

Gusto malaman ni Leonard ang buong detalye tungkol sa nasabing offer na posibleng magbigay ng pagkakataon na makasama sina LeBron James at Anthony Davis.

Hindi na ginamit ni Leonard ang kanyang huling taon sa Toronto Raptors matapos ibigay ang unang kampeonato ng team ilang linggo na ang nakalilipas.

Bukod sa Lakers, inaasahang mago-offer din kay Leonard ang Los Angeles Clippers.

Pero sa isa pang report na inilabas ng ESPN, bibigayan umano ni Leonard ang Raptors ng pagkakataon na ipakita ang huling presentation nito sa susunod na linggo kasabay ng pagpapasya kung babalik siya sa tropa.

Isa si Leonard sa magiging impact player sa susunod na season sa free agency matapos mawala sa susunod na season si Kevin Durant dahil sa ruptured Achilles tendon at si Klay Thompson na may torn left knee ligament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?