11

Oct 24, 2020 @ 14:57
By

Kawhi, George walang iwanan

Naniniwala ang bagong head coach ng Los Angeles Clippers na si Tyrone Lue na hindi maghihiwalay ng landas sina Kawhi Leonard at Paul George.

Ito ay kahit lumalakas ang panawagan ng mga Clippers fanatic na idispatsa na si George dahil bumagsak ang laro nito sa 2020 NBA playoffs.

“I think Kawhi and PG are here to stay for a long time,” kuwento ni Lue sa ESPN.

“It’s just, I think in their situation and where they want to be is here with the Clippers. We’ve just got to make it a great environment, and we have to win.”

Ilang NBA analyst din ang nagsuhestiyon na dapat na lang i-trade si George para sa scoring point guard na si Kemba Walker ng Boston Celtics.

Parehong puwede nang kumalas sa kani-kanilang kontrata nina Leonard at George sa Clippers pagkatapos ng 2020-2021 season.

Maaaring mag- opt out si Kawhi sa kanyang three-year, $103 million deal sa Clippers matapos ang paparating na season, maging si George sa kanyang four-year, $136 million deal na una nitong pinirmahan bago lisanin ang Oklahoma City Thunder.

Marami ang nadismaya sa tambalang Leonard at George nang malusaw ang kanilanng 3-1 bentahe sa Western Conference semifinals nang sibakin sa Game 7 ng Denver Nuggets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?