18

By

Kawhi exit na ngayong season

Sharing is caring!

Mas malamang na out na sa kabuuan ng postseason si San Antonio star Kawhi Leonard, dahil mukhang hindi pa agad matatapos ang rehabilitasyon sa kanyang injured na right quadriceps.

Sa New York nagpapa-rehab si Leonard dahil naroon ang kanyang medical staff. Ayon sa sources ng Yahoo Sports, hindi pa siya binibigyan ng clearance ng mga doktor para maglaro.

Kung walang injury ay isa sa pinakamaangas na player sa NBA si Leonard, matindi rin ang kanyang one-on-one defense.

Noong Sabado ay nailublob ang Spurs 113-92 sa Golden State sa Game 1 ng first round playoff series sa West.

Aprubado ng Spurs medical staff ang rehab program ni Leonard, walang binigay na timetable kung kailan puwedeng makabalik.

Absent si 2013-14 NBA Finals MVP Leonard sa first 27 games ng season dahil sa injury na nakuha sa playoffs kontra Warriors din noong nakaraang taon.

Nakabalik siya noong December 12 pero naka-nine games lang, huli noong January 13 nang sumalang ng 29 minutes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?